MERRY CHRISTMAS, mga marekoy, parekoy, December nanaman, may kalamigan na nga ang hangin naun ee, Anyway, since madame pa kong time sa araw na to, magiimpromtu post na lang ako mejo naisip ko pa tong topic na to last- last night while namumuti ang matang nagiintay ng bus na masasakyan, let's see how it goes.
Ang Buhay ng isang tao ay maihahalintulad ko sa paggawa ng isang bahay, madaming pagplaplano at pag babagong dapat pagdaanan at ang bawat desisyon ay ang syang nagsisilbing pako pumipirmi kung nasan ka nagayon, oh diba ang weird ng illustration ko?
Desisyon na nga siguro ang pinaka mahirap na gawin sa buhay natin, dahil ang bawat desisyon na gagawin mo ee maaring makabuti o makasama sayo, make or break moments ika nga.
At sa araw na ito dahil bored ako, naisipan kong mag muni muni sa bagay na to, napa appropriate diba?
oh sya ito lang naman ung masasabi tungkol sa bagay na to, or better yet ung maipapayo.
Una, umpisahan natin sa pinaka antique, think not just once but 10 times before making a decision, which is true naman, lalo na sa mabibigat na desisyon na may malaking impact sa buhay mo, pero sana lang kung pagiisipan mo nga ng matagal wag naman ung sobra kasi baka sa tagal ee maiwanan ka, tandaan mo di lahat ay nabibigayan ng option oh pagkakataong katulad ng sayo, kaya i consider mo din un.
Pangalawa, Di lahat ng tamang desisyon ay syang makapagpapasaya sayo mas madalas pa nga ito ung pinaka masakit na gawin sa lahat, aminin natin masarap gawin ang bawal at mahirap gawin ang tama.
Third, Magdesisyon ka ayon sa sarili mo,hindi sa dinidikta ng mga taong nasa paligid mo, okay lang humingi ng payo, pero tandaan mo buhay mo yan at di nila alam kung ano ba talaga ang pakiramdam na mapunta sa kalagayan mo, at di din lahat ng payo at maiaaply mo sa sarili mo.
Pang-apat, sa bawat maling desisyon, doon mo makikita kung ano ba talaga ang tama, maaring may mga pagkakataong huli na bago mo malaman, pero tandaan mo lang walang huli sa paggawa neto, o sa pagtama ng mali mo.
At tandaan mo, wag mong palagpasin ang pagkakataong maaring makapag pasaya sayo, cause if you do, you'll be haunted by the most powerful combination of words there ever was, "WHAT IF"
O sya, baka gang dito na lang muna at ako'y may shift pa for today, wish me luck para sa start ng month na to.
Followers
Sabado, Nobyembre 30, 2013
Biyernes, Nobyembre 29, 2013
RanDom
Kapag walang maisip ipost, random ang solusyon!
It's been a week, since nung last post ko, comeback bang matatawag to?? haha, ayun na nga, mejo naging busy kasi sa work ee, kaya mejo di na makapag post.
1.Speaking of which, end na ng November and luckily safe naman ung naging ending status ko sa work ko kaya smile smile lang. Sana this December mas mataas na stats ko para naman me bonus haha wish me luck. So far super enjoy naman sa work.
2. Lapet na ung year end party ng company namen at syempre naman excited ako, nakabili na nga ko ng suits. haha at magugulat kayo sa presyo. 2suits=40php haha, thanks UK-UK.
3.At while ginagawa ko tong post na to nabwibwisit ako sa palabas, ung Face the People! nakakbwisit ung issue ee, ung asawng girl ee pumatol sa step dad ng asawa nya! at lakas ng loob mag paTV.
4.DIET! isang suntok sa buwan para sa December haha.
5.First time kong magpapasko at new year ng wala sa bahay nakakasad na na kakaexcite din dahil sa office ako magsecelabrate:)
6.Dame ko trip gawin, pero di enough yung time hehe. Want ko manuod ng catching fire, want ko gumala, want ko mgkipagdate dame talaga.Pati blog ko, madame dame na sana post na naiisip peo sa tagal nakakalimutan ko na kaya ang ending ee random.
sige na gang dito muna bawi na lang ako sa content sa mag next post ko haha.
Biyernes, Nobyembre 15, 2013
Babalik pa din :)
Nais kong mag simula muli, sa isang pahinang mas mailalabas ko ang sarili ko, at mas malaya kong maipapahayag kung ano ang opinion ko, kaya naman naisip kong gawin tong blog na to.
Sa nakalipas ang ilang buwan, stress sa work ang naging dahilan kung bakit ako nahinto sa pag bablog ngayon na nasa mas okay na lagay na ko sa trabaho ko, nais ko muling subukang magsulat, pero sa pag kakataong ito nais kong mag focus sa mga maiituturing kong kaibigan sa larangang ito, ang mga kapwa kong bloggerong pinoy kahit nga may ilan man sa mga naturang taong ito ang kinaiinisan ko naun hahaha.
Di ko pa masasabing nakabalik na nga ko pero ito ang aking unang subok:)
Please Send me or comment below your email addresses I'll be privatizing this blog soon :)
Please Send me or comment below your email addresses I'll be privatizing this blog soon :)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)