Followers

Biyernes, Disyembre 20, 2013

Simbang Gabi

As you all know, ang nagsimula na ang kinaugalian nating Misa de Galyo aka Simbang gabi, siyam na gabi/ (madaling araw technically) na pag ninilay-nilay sa kapanganakan ni Jesus xmas countdown kung baga. Well unfortunately due to work this year di ako makakapag simba buti na lang ee last year ee nagawa kong makumpleto un lahat.
Anyway syempre di ko naman gagawing title at opening ang topic na yan para sa wala, for today trip kong i list down yung mga taong makikita mo sa gantong okasyon.

1. Simbang-Totoo- syempre unahin na natin ung mga taong nagsisimba talaga para mag worship at makinig ng salita ng diyos. Ito ung mga taong nauuna sa simbahan madalas sila ung mga part ng organisasyon sa loob ng parokya.

2. Simbang-Kain- Ito naman ung mga tao na nagsisimba nga pero excited na matapos ung misa para makabili na sila ng mga delicacies na tinda sa tapat ng simbahan. puto bungbong bibingka at kung anu anu pa, di mo naman masisisi dahil masarap nga naman tong mga to amoy pa lang.

3.Simbang-Ligaw- Eto naman ung mga taong nagtetake advantage of this season para makasama yung nililigawan everyday at para dagdag pogi points. Para nga naman maihabol pa nila before xmas at di sila mapasama sa SMP hehe, pero ang alam ko madameng love story ang nag sisimula sa ng ganto which means epektib naman pala.

4.Simbang-Tulog- eto ung mga nagtry na magsimba which is nagawa naman nila pero ayun nga lang, ang ending ee nakakatulog din during mass haha, madalas sa mga to ee ang mga kiddies understandable naman.

5.Simbang-Wish- eto naman ung mga taong pinipilit na matapos oh makumpleto ung siyam na gabi ng pagsisimba dahil naniniwala sila na matutupad ung wish nila pag nagawa nila to.

6.Simbang-Tabi- nakakalungkot man pero ung huge chunk ng nagsisimba ee nabibilang dito ito ung mga nagsisimba para tumambay lang ito ung mga kabataang madalas nasa labas lang ng simbahan. Mahahati ko pa to sa different sub category.
6.1Simbang-Hatak- eto ung walang pake sa kung anu meron mga nahatak lang ng barkada ika nga madalas nasasama din sila sa simbang-tulog at madalas din sila ung mga barkadahan from gimik/inuman ee nagkayayaan.
6.2Simbang-Angas- eto naman ung  mga gang na nagpupunta sa simbahan mga dapat mong iwasan dahil ito ung mga nantritrip, nagaabang ng mabubugbog.
6.3 Simbang-Porma- ito naman ung mga nagsisimba para ipagmayabang ang mga bago nilang gamit oh ung mga porma nila, hiphop ung madalas sa mga to ee, kuntodo patong patong na burloloy at maluluwag na damet, mayron pa ngang mga naka shades pa can you imagine?

nakakatuwa naman na sa kahit paanong paraan ee naipagdadaos pa din natin ang pasko na masaya sa pamamagitan na din ng mga tradisyon na to, pero mas maganda sana na di lang yearly habit ang pagsisimba.

Anyway aagahan ko na ang pag bati ng MERRY CHRISTMAS and HAPPY NEW YEAR sa inyo kasi weekends lang ako nakakapag blog ee.

8 komento:

  1. Alam mo ba Nget? ,.. Wala pa akong nakukumpletong Simbang gabi eversince my world began. lels. Na share ko lang.

    TumugonBurahin
  2. Ang parents ko...ah talagang simbang totoo..every year yan. 2 hours before the mass nandun na mother ko... Unfortunately di ako nakakapagsimba, dami kasing work. (nagdahilan pa eh :)

    TumugonBurahin
  3. naku, kahit kelan di pa rin ako nakaka kumpleto ng simbang gabi >_<

    marami akong nakikitang nagsisimbang tabi at simbang porma lols

    Happy Christmas parekoy!

    TumugonBurahin
  4. Naalala ko nong bata pa ako. Ginagawa namin ng lola ko. I must admit ay ako yong no 2:) at dahil bata pa ko non, nakakatulog ako almost:)

    TumugonBurahin
  5. nyahahaha sobrang dami nyan lalo sa likod at labas na part ng simbahan...

    TumugonBurahin
  6. Nung sagrado katoliko pa ako (anudaw?) pinipilit ko magising ng madaling araw para makapagsimbang gabi. Pero never pa din akong nakakumpleto kasi mahirap talaga labanan ang antok. Anyway, ang aim ko naman bat gusto ko nun magsimba eh yung puto bumbong so oo pasok ako sa list mo hahaha...

    TumugonBurahin
  7. tama nga... daming klase ng mga nagsisimbang gabi.... isa na diyan ung ligawan... o pormahan... pero ako... ung kainan...

    after simba alam na kung saan pupunta....

    Merry Christmas...

    TumugonBurahin
  8. Tagal ko nang hindi nag simbang gabi, wala kasi niyan dito eh hindi naman ako umuuwi ng Pasko, minsan lang.

    TumugonBurahin