Followers

Biyernes, Enero 24, 2014

Mga Bagay Na Di Mo Dapat Asahan Sa Isang Relasyon

Well given naman nang umasa ng magagandang bagay sa isang relasyon, nariyan na ang impluwensya ng mga love story na nagpakilig satin ng paulit-ulit, mga bagay na maari naman talagang mangyari sayo. Ibang saya naman talaga ung dulot ng paglook forward mo sa mga plano nyong dalawa, pero dapat ding tandaan na too much expectation may lead to disappointments.
Aaminin ko, ako ee ung tipong palaasa sa mga bagay bagay mula saking girlfriend, I mean madame akong plano samen at madame di akong inaasahang gawin nya para sakin at kahit ilang ulit man akong mabigo sa mga ito, di ko alam bakit patuloy pa din naman akong umaasa.

Anyway, sa araw na ito naisip ko lang gumawa ng maikling list ng mga bagay na di mo dapat aasahan sa relasyon ito un ilan sa mga bagay na naranasan ko or narealize ko through other else's story.

Wag Mong Asahang:


May Kapalit Kang Matatangap Sa mga Bagay Na Ginawa Mo O Binigay Mo-
kung aasa ka lang naman din ng kapalit ee wag mo nang ituloy sa umpisa pa lang kasi napaunsincere ng dating, pero case to case basis naman to, tulad na lang pagsuko mo sa ilang mga bagay sa buhay mo para sa taong mahal mo, maaring di nito mababago kung anong meron kayo.

Mananalo Ka Kung Tama Ka-
Di sa lahat ng pagkakataong ikaw ang tama ee, ikaw ang mananalo, kadalasan pa ngang kabaligtaran pa nangyayri

Maappreciate Nya Lahat ng Ginawa Mo-
Iba ang takbo ng utak ng mahal mo sayo, ung mga bagay na bigdeal na para sayo ee maaring di naman sa kanya.

Di Siya Titingin Sa Iba-
Kung ganyan na din naman pala gusto mo ee binulag mo na lang pala sana ang partner mo. Kung kataksilan na para sayo ang magandahan/magwapuhan oh maarrouse pa yang jowa mo ng sa iba, ee wala nang faithful na tao sa mundo.

Gugustuhin Nya Kung Anong Gusto mo-
Di mo maiipilit lahat ng gusto mo na gustuhin din ng partner mo, kaya dapat maging considerate kang palage sa mga desisyon nyo.

Ikaw Lage Masusunod-
Oo, maaring masunurin sya sayo, pero naisip mo bang masaya sya na lage na lang ganun, paalala ko lang sya ay BG/Gf mo hindi mo subordinate.

Porke Wala Siyang Sinasabe ee Okay Lang Sa Kanya-
Di ung porke di sya nagalit sa ginawa mo ee papanay-panayin mo na dahil akala mo ee okay lang sa kanya, sabi ko ng maging sensitive ka din pag may time.

Maiintindihan Ka Nya Lage-
Ito ang pinaka sa pinaka! at ang madalas na dahilan ng hiwalayan, Di mo maipipilit na ipaintindi ung side mo sa isang tao kahit partner mo pa yan lalo kung nasaktan mo na sya.

At syempre wag mong aasahang KAYO na talaga ang para sa isa't isa gamg dulo, kasi ang bagay na ito ay di mo masasabi, at di mo lang dapat asahan, ang dapat ay gawin mo makakaya mo para maisakatotohanan to.

Tandaan mo, kahit gaano pa man kataas ang pagasa mo sa inyong dalawa walang mararating kung puro na lang IKAW o SIYA, SAYO o sa KANYA o kung may SUMUSUKO na.

11 komento:

  1. Oo kuya mecoy:) good luck with your lovelife.
    Since I am happily married, ano naman kaya ang payo ko?
    I think when one is in love, the right kind of love sa isat isa ay mag last ang pagsasama. Love we find sa 1 corinthian 13 :)
    Have a nice weekend dear:)

    TumugonBurahin
  2. may pinaghuhugutan?

    super ganda ng list tunay na tunay ang pagkaka-paliwanag parang may pinaghuhugutan lang talaga ha ha ha

    TumugonBurahin
  3. Walang siya o ikaw sa isang relasyon. Lageng may KAYO. Public or friends opinion counts bu tat the end of the day kayo pa din makakasettle ng difference niyo.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama june. i push mu yan.

      para sakin pag pumasok dapat ang isang tao sa isang relasyon ay handa na siya sa lahat. hindi lahat ng gusto mo ay mangyayari kaya may sacrifice and adjustment na nangyayari

      Burahin
  4. Lintik na pag-ibig yan *evil grin* ang sakit sa pu.....so >_<

    Try to balance things out on your relationship. Give and take. Hindi pwede yung isa na lang lagi ang ume-effort at yung isa eh lagi lang nga-nga. Wala talagang mangyayari sa inyo nyan. Ang isang relasyon dapat team work yan.

    TumugonBurahin
  5. Ah, pag-ibig, sa simula'y matamis. We learn many things from our mistakes so when we try to do things our own, we learn that others might be ok while others are not. We work things out, we communicate, we compromise.

    TumugonBurahin
  6. kaya dapat mahalin mo ng todo gf mo. at lagi kayong may communication at understanding sa isa' isa. bigayan. give and take ika nga

    TumugonBurahin
  7. Wait lang naman, bakit ngayon ko lang to nabasa?!! Hahaha....
    Ganun talaga... In short, live in the now. Umasa man, konti lang :P

    TumugonBurahin
  8. ang love nga naman..... sa love dapat walang hinihinging kapalit.... kaya sang ayon ako sa mga nasabi mo.... mukhang may pinaghugutan....

    TumugonBurahin
  9. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    TumugonBurahin